Maliit man o malaki,
Malalim man o hindi
Sa pagngiti ninuman,
Ika’y kasamang bumabati
Hatid ay tuwa,
Sa sinumang mang nakakakita
Nag-aanyaya sa umaga,
Tungo sa isang magandang simula
Maliit man o malaki,
Malalim man o hindi
Sa pagngiti ninuman,
Ika’y kasamang bumabati
Hatid ay tuwa,
Sa sinumang mang nakakakita
Nag-aanyaya sa umaga,
Tungo sa isang magandang simula
Batang paslit , mata mo ay nakapikit
Pagdilat ng mata, pag-asa mo ay ipiniit
Mga mata mo na mapaniil, sa di kalayuan ay nakatingin
Naghihintay, nagmamasid, para sa sikmurang naniningil
Nagtyatyaga sa barya, matustusan lng ang pangangailangan,
Nitong buhay na aba, pati hininga ay bilang na
Lilibot kung saan-saan, bawat hakbang ay pag-asa
Hihinto pagkagat ng dilim, kahit na saan man abutin pa
Ginapos nga ng kapalaran, katahimikan mong inaasam
Ngunit masasabing kaisipan mo ba’y pinili nila?
Namulat ka sa maling sistema, ngunit sa iyong sarili ay hindi alintana
Hikahos man sa buhay, tingin sa sarili ay di dapat na maawa
Di nga dapat sayangin ang iyong luha, pagka’t dito’y wala naman mapapala
Sa iyo ngang paglaki, kaagapay lamang ang iyong sarili
Ngunit tinuligsa pati sarili, sanhi ng lipunang makasarili
Sa isang mundong itinakwil ka, sarili mo nga ay itinali
Nakuntento ka na muna sa gawaing mali, kahit luha pa ang syang maging sukli
Sa pagnanais mo na maingat ang sarili, kahit isangla mo na pati ang iyong puri
Dala nga ng kahirapan, inilugmok pa lalo ang iyong sarili
Sa mabahong estero, sa madalim na eskinita ka naglalagi
Sitwasyong kilakhan, sayo’y bumubuo
Sa iyong pagkatao, sa kaluluwa’t isipan mo
Sa mga mahal mo sa buhay, ika’y nga’y di mag-aatubili
Iaabot ang iyong kamay, kahit pa sa hukay ay di magsisisi
Sa isip mo nga ay wala kang magawa, di mo rin ginusto
Sayangin ang iyong buhay at mag-isip ng di wasto
Ngunit kung bibigyan ka ng pagkakataon, lahat ay itatakwil mo
Upang sa pagdilat muli ng iyong mga mata, naghihintay ay isang panibago
Pag-inog ng mundo, takip-silim ay paparating
Kadiliman ay babalot, saan man nakatingin
Lagaslas ng tubig, himig sa pandinig
Kuliglig at kulisap, syang kasalo sa magdamag
Lagitik sa kakahuyan iyong mauulinigan
Alingawngaw nyang malakas, syang babasag sa katahimikan
Sa ihip ng malakas na hangin, daho’y unti-unting hahalik sa lupa
Mababasa’t matutuyo, kalauna’y sisimsimin na ng lupa
Kawayan na matayog, pipiliting ibaluktot
Yuyukod rin kapagdaka, upang lupa ay maabot
Patak ng ulan, dumampi sa bawat talulot
Dadaloy hanggang sanga, at sa ugat ay manunuot
Bituin sa kalangitan ay nagtatago sa karimlan
Upang sa takdang panahon muli’y masilayan
Sa kumpas ng panahon, ulap ay hahawiin
Maskara’y aalisin, sa tabing na seda, sa likod ng takip-silim
Pagkatapos ng unos, pag-asa’y biyaya
Magsisilbing sandata, pagyapos sa bagong pasimula
Matinding paghihirap, di mababanaag
Ligalig na nadama, lilipulin hanggang sa wala
Kapanatagan sa pulang ulap, sikat ng araw ay ganap
Paningin na ay nakatuon sa bawat pagkakataon
Katahimikan na, ay sa loob, nadama ng lubos
Pagsilip ng araw, liliwanagin ang sanlibutan
Iaabot ang mga palad, sa sinag ay ipamamalas
Magsasaboy ng ningning, pagkislap gayundin
Ibayong lakas at ligaya, kagalakan iyong maaatim
Kadakilaan ay sasambitin, kalooba’y saklawin
Tuklasin ang kapalaran, liwanagin ang daan
Hamog sa dahon ay marahang dumaloy,
Pagdilig sa sanga’t palumpong, sa sikat ng araw ay natuyo
Lamig ng simoy ng hangin, sa luntian ay hininga
Marikit na mariposa, huni ng ibon ay nagsisilbing melodiya
Tunay ngang isang hudyat, bagong umaga ay nakahanda na
Bigyan ngang diin, Pasasalamat ay bigkasin
Yumukod at gumalang, ihandog at magtanghal
Tanging iuusal, wagas Nyang pag-ibig nga’y nariyan
Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!