Sa yapos ng iyong mga bisig, hinehele ako, upang matulog ng matuwid.
Lambot ng iyong mga labi, at tamis ng iyong halik,
Nanghahalina sa’kin ng walang pakli
Ligayang nadarama ay di mabatid,
Sa salita man ay kulang, di kayang maipahiwatig.
Sa kislap ng iyong mga mata kapag ika’y ngungimiti,
Pagod ay nawawala, sigla sa aking puso ay namumutawi.
Ipikit man aking mata, mapapangiti pa rin tuwina,
Sa mga alaala mo, simple man ngunit tunay na masaya.
Isang pagkakataong di matatawaran,
Ang makapiling ka’y tunay na saya.
Kung magising man sa pagkakahimbing, ako’y pipikit muli at matutulog ng mahimbing,
‘Pagkat kapanatagan ng loob ang syang maaabot sa iyong piling.